Matagumpay na ipinagdiwang ng Ramon Magsaysay Memorial Colleges Inc. ang 𝗕𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗪𝗶𝗸𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗺𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮 na may temang "𝑨𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒈𝒍𝒊𝒏𝒂𝒏𝒈 𝒏𝒈 𝑭𝒊𝒍𝒊𝒑𝒊𝒏𝒐 𝒂𝒕 𝑲𝒂𝒕𝒖𝒕𝒖𝒃𝒐𝒏𝒈 𝑾𝒊𝒌𝒂: 𝑴𝒂𝒌𝒂𝒔𝒂𝒚𝒔𝒂𝒚𝒂𝒏 𝒔𝒂 𝑷𝒂𝒈𝒌𝒂𝒌𝒂𝒊𝒔𝒂 𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒏𝒔𝒂" at 𝗕𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝘀𝗮𝘆𝘀𝗮𝘆𝗮𝗻 na may temang "𝑫𝒊𝒘𝒂 𝒏𝒈 𝑲𝒂𝒔𝒂𝒚𝒔𝒂𝒚𝒂𝒏, 𝑲𝒂𝒃𝒊𝒍𝒊𝒏 𝒔𝒂 𝑲𝒂𝒃𝒂𝒕𝒂𝒂𝒏". Ang selebrasyong ito ay taon-taong idinaraos para ipamalas ang kayamanan ng kasaysayan, wika, at kultura ng mga Pilipino.
Sa pangunguna ng 𝑨𝒍𝒚𝒂𝒏𝒔𝒂 𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝑻𝒂𝒈𝒂𝒑𝒂𝒈𝒕𝒂𝒈𝒖𝒚𝒐𝒅 𝒏𝒈/𝒔𝒂 𝑭𝒊𝒍𝒊𝒑𝒊𝒏𝒐 at ng 𝑺𝒂𝒎𝒂𝒉𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝑴𝒂𝒈-𝒂𝒂𝒓𝒂𝒍 𝒏𝒈 𝑨𝒓𝒂𝒍𝒊𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒍𝒊𝒑𝒖𝒏𝒂𝒏 naging masigla ang aktibidad na matagumpay na ginanap mula umaga hanggang gabi. Kaugnay nito, itinampok ng pagtitipon ang iba’t ibang timpalak katulad ng Larong Pinoy, Tagisan ng Talino, Paggawa ng Poster, Hugot Tula, Doble Kara, Katutubong Sayaw, at nakakaantig na SineKasaysayan.
Hindi rin matatawaran ang lalim ng mensaheng iniwan ng 𝐏𝐚𝐧𝐚𝐮𝐡𝐢𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐠𝐚𝐩𝐚𝐠𝐬𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚, na si 𝐆. 𝐉𝐨𝐦𝐚𝐫 𝐂. 𝐀𝐥𝐥𝐚𝐧𝐢𝐜, 𝐌𝐀𝐄𝐃, 𝐋𝐏𝐓. Sa kaniyang pananalita, buong puso niyang binigyang-diin ang kahalagahan ng patuloy na pagtataguyod at pagpapayabong ng wikang Filipino at ng mga katutubong wika sa bansa. Sinsero niyang paalala, na ang wikang Filipino ay dapat ituring na ilaw sa dilim, tulay sa pagkakaunawaan, at puso ng ating pagkabansa.
Sa pamamagitan ng kaganapan na ito, naipamalas ng mga mag-aaral ang kanilang kahusayan, talento, at pagkamalikhain. Ang selebrasyong ito ay testamento sa patuloy na pagsuporta ng ating institusyon sa pagbibigay-halaga at pagpapayabong ng ating pambansang wika.
𝑴𝒂𝒃𝒖𝒉𝒂𝒚 𝒂𝒏𝒈 𝑾𝒊𝒌𝒂𝒏𝒈 𝑭𝒊𝒍𝒊𝒑𝒊𝒏𝒐!
𝑴𝒂𝒃𝒖𝒉𝒂𝒚 𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝑲𝒂𝒕𝒖𝒕𝒖𝒃𝒐𝒏𝒈 𝑾𝒊𝒌𝒂 𝒔𝒂 𝑷𝒊𝒍𝒊𝒑𝒊𝒏𝒂𝒔! 𝑴𝒂𝒃𝒖𝒉𝒂𝒚 𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝑲𝒂𝒔𝒂𝒚𝒔𝒂𝒚𝒂𝒏!
#RMMCBuwanNgWikangPambansa2025
#RMMCBuwanNgKasaysayan2025
#PassionForExcellence
#CommitmentToService