TINGNAN | Pormal na Idinaos ng RMMC-Gensan ang Buwan ng Wika at Kasaysayan 2025 Matagumpay na ipinagdiwang ng Ramon Magsaysay Memorial Colleges Inc. ang Buwan ng Wikang Pambansa na may temang "Ang Paglilingap ng Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa" at Buwan ng Kasaysayan na may temang "Diwa ng Kasaysayan, Kabilin sa Kabataan". Ang selebrasyong ito ay taon-taong idinaraos para ipamalas ang kayamanan ng kasaysayan, wika, at kultura ng mga Pilipino. Sa pangunguna ng Alyansa ng mga Tagapagtaguyod ng/sa Filipino at ng Samahan ng mga Mag-aaral ng Araling Panlipunan naging masigla ang aktibidad na matagumpay na ginanap mula umaga hanggang gabi. Kaugnay nito, itinampok ng pagtitipon ang ibaโt ibang timpalak katulad ng Larong Pinoy, Tagisan ng Talino, Paggawa ng Poster, Hugot Tula, Doble Kara, Katutubong Sayaw, at nakakaantig na SineKasaysayan. Hindi rin matatawaran ang lalim ng mensaheng iniwan ng Panauhing Tagapagsalita, na si G. Jomar C. Allanic, MAED, LPT. Sa kaniyang pananalita, buong puso niyang binigyang-diin ang kahalagahan ng patuloy na pagtataguyod at pagpapayabong ng wikang Filipino at ng mga katutubong wika sa bansa. Sinsero niyang paalala, na ang wikang Filipino ay dapat ituring na ilaw sa dilim, tulay sa pagkakaunawaan, at puso ng ating pagkabansa. Sa pamamagitan ng kaganapan na ito, naipamalas ng mga mag-aaral ang kanilang kahusayan, talento, at pagkamalikhain. Ang selebrasyong ito ay testamento sa patuloy na pagsuporta ng ating institusyon sa pagbibigay-halaga at pagpapayabong ng ating pambansang wika. Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang mga Katutubong Wika sa Pilipinas! Mabuhay ang ating Kasaysayan! #RMMCBuwanNgWikangPambansa2025 #RMMCBuwanNgKasaysayan2025 #PassionForExcellence #CommitmentToService